Add parallel Print Page Options

15 Hindi rin nga pinaniningasan ang isang ilawan, (A)at inilalagay sa ilalim ng isang takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw; at lumiliwanag sa lahat ng nangasa bahay.

16 Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; (B)upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at (C)kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.

17 Huwag ninyong isiping (D)ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin.

Read full chapter